Wednesday, June 10, 2009

Litratong Pinoy - Pangarap Ko


Ito ay simpleng larawan lamang , ngunit punong puno ng kahulugan para sa akin. Ito ay kuha noong Abril 15, 2007 , unang taon na kaarawan ng aking anak. Ito ang huling pagkakataon na magkakasama kami ng aking pamilya, at ngayon, matapos ang 2 taon ay magkikita kami muli sa Oktubre para sa kaarawan ng isa ko pang anak.

Simple lang ang pangarap ko - ang sana'y makasama sila sa araw araw.

Maligayang Huwebes sa lahat !

6 comments:

♥♥ Willa ♥♥ said...

Hindi bale,malapit ng matupad ulet ang pangarap mo. :)
LP:Pangarap

Yami said...

Wala ng kasing saya ang makasama ang ating mahal sa buhay at magabayan ang ating mga anak habang sila ay lumalaki.

Nawa'y matupad ang mithiin mo, ka-LP.

Narito naman ang lahok ko: http://penname30.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

an2nette said...

makabuluhang pangarap, yan din ang pangarap ko sa buhay, ang makapiling lagi ang pamilya ko, nice family photo, happy LP!!

Unknown said...

oo nga 'no? ang mag-organize ng isang family get-together ay napakahirap na sa panahon ngayon. nakikita ko na lang nga ang iba kong kamag-anak kapag may patay, kasal o binyag.:D

Zeee said...

Gusto ko ring makasama ang pamilya ko... :)


Eto ang Pangarap Ko

Mauie Flores said...

Awww... Oo nga naman. Iba talaga pag kasama mo ang pamilya mo. Kahit hindi nga araw-araw eh, kahit yung every week lang. Basta yung makita at makamusta lang sila.

Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html