Narito ang isang sisiw na ialng araw pa lang nabubuhay. Ewan ko ba ngunit kinikilabutan ako sa itsura nya dahil ang payat pa at kakaunti ang balahibo .
Maligayang Huwebes sa lahat !
Wednesday, July 22, 2009
Litratong Pinoy - nakaka kilabot
Posted by Peachy at 10:42 AM 2 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, July 15, 2009
Litratong Pinoy - Tuyo (dry)
Ang daang ito , sa tabi ng isang swimming pool ay nanatiling tuyo dahil sa tindi ng sikat ng araw.
Magandang Huwebes mga ka LP !
Posted by Peachy at 3:52 PM 2 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, July 8, 2009
Litratong Pinoy - Basa (wet)
Isang napaka simple ngunit espesyal na larawan dahil kuha ito ng aking anak noong Araw ng mga Ama. Narito ang basang baso
Maligayang Huwebes sa lahat !
Posted by Peachy at 2:13 PM 4 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, June 10, 2009
Litratong Pinoy - Pangarap Ko
Ito ay simpleng larawan lamang , ngunit punong puno ng kahulugan para sa akin. Ito ay kuha noong Abril 15, 2007 , unang taon na kaarawan ng aking anak. Ito ang huling pagkakataon na magkakasama kami ng aking pamilya, at ngayon, matapos ang 2 taon ay magkikita kami muli sa Oktubre para sa kaarawan ng isa ko pang anak.
Simple lang ang pangarap ko - ang sana'y makasama sila sa araw araw.
Maligayang Huwebes sa lahat !
Posted by Peachy at 10:04 AM 6 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, May 20, 2009
Litratong Pinoy - Payak
Dahil sa kanya , lagi ko naiisip na ang buhay ay simple lamang, na minsan tayo lang mismo ang nagpapagulo o komplika nito. Ang aking anak.. sa kanya lahat ng bagay ay simple lamang.. simple ang buhay at masaya basta kasama ang pamilya.
Maligayang Huwebes sa lahat!
Posted by Peachy at 10:12 AM 10 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, May 13, 2009
Litratong Pinoy - Nang Matapos
Nang matapos ang kanyang pagiging dalaga.. sya ay pumasok naman sa panibagong yugto ng kanyang buhay ...
Narito ang larawan ng aking kaibigan bago sya pumasok sa simbahan ng araw ng kanyang kasal. Sa bawat bagay na nagtatapos, may panibagong nagsisimula .. Maligayang Huwebes sa lahat!
Posted by Peachy at 9:30 AM 12 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, April 29, 2009
Litratong Pinoy - Tulay
Ngayon na lang ako muli nakasali .. pasensya at walang katapusan ang gawaing bahay ko. Nahirapan ako sa tema dahil wala akong maalala na tulay eh.. salamat, may kuha pala ako mula sa bakasyon namin sa Cebu nung nakaraang taon. Kuha ito mula sa aking kinauupuan sa shuttle bus.
Maligayang huwebes sa lahat..
Posted by Peachy at 7:30 AM 8 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, March 26, 2009
Litratong Pinoy - Sapatos
Hindi ko lubos akalain na mawawaglit sa isip ko ang LP ngayong Huwebes! Sapatos ba ??
Ito ay isang sapatos na gustong gusto ko ang kulay at disenyo sa halagang 400 lang. Abobt kaya per maganda sa paa. Ako ay isang tao na mahilig sa sapatos, at lubos ang aking pag iingat sa mga ito.Dito ko nilalagay ang aking mga sapatos. Para kita ko agad kung ano ang laman sa loob ng hindi binubuksan ang kahon.
Maligayang Huwebes!
Posted by Peachy at 10:13 AM 0 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, March 18, 2009
Litratong Pinoy - Alahas
Ang kwintas na suot ng aking anak sa larawan na ito nung kanyang unang kaarawan ay kwintas pa ng kanyang ama. Oo, kwintas pa ito ng aking asawa nung sya ay bininyagan. Ito ay binigay ng aking byenan na babe nung mismong araw na bininyagan din ang aking anak. Sadyang ito ay isa sa aking paborito dahil sa kakaibang alaalang binibigay nito . Ang kwintas na ito ay may 30 years na .
Posted by Peachy at 9:34 AM 8 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, March 4, 2009
Wednesday, February 25, 2009
Litratong Pinoy - Bulaklak
Pasensya na at ngayon na lang ako muli naka sali. Sadyang napakaraming gawaing bahay dahil wala kaming katulong.
Narito ang aking lahok ngayong Huwebes. Kuha ito nung kami ay nag swimming sa isang private resort sa Laguna. Ang ganda ganda , ang ganda ganda ng bulaklak. Ang bango bango, ang bango bango ng bulaklak :)
may isa pa kong lahok dito . salamat! Maligayang huwebes!
Posted by Peachy at 8:18 AM 12 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, February 4, 2009
Litratong Pinoy - tsokolate
Narito ang cake ng aking anak nung sya ay bininyagan. ito ay kombinasyon ng kulay tsokolate at pink. Ang mismong cake ay tsokolate ang lasa, sadyang napakasarap.
Posted by Peachy at 9:55 PM 3 comments
Labels: Litratong Pinoy
Wednesday, January 21, 2009
Litratong Pinoy - Kahel (orange)
Maligayang Huwebes!
Posted by Peachy at 9:35 AM 14 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, January 15, 2009
Litratong Pinoy - Asul
Isang magandang tanawin noong ako ay sumungaw sa bintana ng eroplano. Kuha ito noong papunta kami ng Cebu, at iyon ang huling pagkakataon na kami ay nakapag bakasyon bilang pamilya. Sana maka alis muli kami sa Abril.
Posted by Peachy at 2:41 AM 5 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, October 16, 2008
Litratong Pinoy - Bago nga kaya?
Ako ay isang babae na mahilig mamili ng kung ano anong bagay sa internet, mula sa laruan, damit atbp. Kamakailan ay binili ko ang aking asawa ng relos sa isang kilalang website. Natakot din ako noong una , naisip ko "Bago nga kaya ang relong ito?" .. ngunit nung aming matanggap ang relo, ito ay bago nga at naka balot pa ng maayos. Tiyak mauulit ang pagbili ko sa website na yun. Narito ang relo ng aking asawa.
Posted by Peachy at 6:21 AM 2 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, September 25, 2008
Litratong Pinoy - Puti at Itim
Narito ang 2 litratong nakita ko para sa linggong ito.
Una , ang sapatos ng aking anak na kulay itim na may kaunting puti. Isa ito sa mga bigay ng aking nanay sa kanya at gustong gusto nya itong isuot pang porma.
Ito ang pangalawa, Pagod na sya dito matapos maglaro ng basketball. Mukhang kawawa ba?
Maligayang Huwebes !
Posted by Peachy at 1:44 AM 7 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, September 18, 2008
Litratong Pinoy - Ginintuan
Ang Sandals na binigay sa akin ng aking Ina noong Hunyo. Ito ay gawa sa plastic na kulay ginto at may mga palamuti din itong ginto. Masarap isuot sa paa, napaka komportable at hindi pa naman ako nadudulas pag suot ko ito. Ako ay isang babae na mahilig sa mga kulay gintong sapatos.
Posted by Peachy at 6:52 AM 4 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, August 21, 2008
Litratong Pinoy - MITHI
Posted by Peachy at 6:35 AM 5 comments
Labels: Litratong Pinoy
Thursday, July 31, 2008
Litratong Pinoy - Dalampasigan
Ito ay kuha mula sa Dalampasigan ng Panglao Island Nature Resort sa Bohol. Isa sa pinaka paborito kong larawan ang nasa itaas kung saan naglalakad ang aking asawa at anak sa dalampasigan. Napaka tahimik ng lugar, mahangin at malayo sa ingay ng Maynila.
Ang sumunod na larawan naman ay ang daan patungo sa isang maliit na "isla" sa nasabing resort. Napaka pino ng buhangin kaya ilang beses kami bumalik at naglakad dito.
Posted by Peachy at 11:24 PM 3 comments
Labels: Litratong Pinoy